pls. enable active contents

 

"The Country's Premiere Agri-Credit

and Guarantee Company"

 

 

www.gov.ph

THE QUEDAN AND RURAL CREDIT GUARANTEE CORPORATION (QUEDANCOR)

Tuesday, 18 September 2007


 


 

QUEDANCOR Primer

 


 

 

Ang QUEDANCOR o Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation ay isang non-bank government financing institution (GFI) sa ilalim ng pamamahala ng Kagawaran ng Pagsasaka (Department of Agriculture). Ang Kalihim ng Kagawaran ang tumatayong ex-officio Chairman ng QUEDANCOR Governing Board.

Bilang isang stock corporation, ito ay mayroong awtorisadong kapital na P2 bilyon. Ang Board ay binubuo ng labing-tatlong miyembro na kumakatawan sa sektor ng agrikultura, agraryo
at pananalapi.

Ang Korporasyon ay pinamumunuan ng Pangulo at Punong Tagapamahala o President and Chief Executive Officer.

Kailan itinatag ang QUEDANCOR?

Ang Korporasyon ay itinatag noong ika-13 ng Abril 1993 sa bisa ng Republic Act 7393 sa ilalim ng Administrasyon ng dating Pangulong Corazon C. Aquino. Bago pinalawig ang corporate authority ng QUEDANCOR, ito ay nagsimula bilang Quedan and Guarantee Fund Board sa giya ng Letter of Instruction (LOI) 704 noong Hunyo 9, 1978.

Ano ang mandato at layunin ng QUEDANCOR?

Ang mandato ng QUEDANCOR ay palakasin ang daloy ng puhunan at pautang sa bansa upang mapaunlad ang produksyon, mapataas ang bilang ng hanapbuhay at mapagkakakitaan upang maging daan sa pag-angat ng pamumuhay ng bawat mamamayan lalo na ang mga mahihirap na magsasaka at mangingisda sa kanayunan.

Layunin nito na gawing moderno ang pambansang agrikultura sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “comprehensive financing and guarantee support system” para sa sector ng agrikultura.


Ano ang pangunahing tungkulin ng QUEDANCOR?


Pangunahing tungkulin ng QUEDANCOR, ayon sa Republic Act 7393, na tugunan ang pangangailangan sa puhunan at pautang ng mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa bansa. Napapaloob dito ang pagtatag ng “credit delivery system” at “guarantee facility” na magpapalawig sa inventory financing ng mga produktong agri-aqua, pasilidad sa production at post-production, makinarya sa pagsasaka, puhunan pang-abono at iba pang mapagkakakitaang hanapbuhay.



Saan nagmumula ang pondo ng QUEDANCOR?


Sa nakaraang mga taon, napanatili ng QUEDANCOR ang mabuting relasyon nito sa mga bangko at pribadong institusyon. Nakipag-isa ito sa mga kasunduang pananalapi gaya ng rediscounting lines, sale of receivables and promissory notes, at iba pang short and long term liabilities. Sa pamamagitan nito ay naipadaloy ng QUEDANCOR ang pamamahagi ng puhunan at pautang sa bansa.




Anu-ano ang mga programang pautang ng QUEDANCOR?

Ang QUEDANCOR ay mayroong tatlong (3) pangunahing programang pautang:

  • QUEDANCOR Retail Program. Tumutugon ito sa pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Self Reliant Team Financing Model. Ang SRT ay sistema ng pagpapautang na may mababang interes at walang kolateral. Maaaring makautang ng hanggang P50,000 ang bawat miyembro (na hindi bababa sa 3 o hihigit sa 15) depende sa uri ng proyekto.

    Isa pang bahagi ng programa ang pagtugon sa financing requirement ng mga small and medium agri-fishery enterprises sa buong bansa. Nangangailangan dito ng kolateral na hindi bababa sa 80% ng halagang uutangin. Ang halagang mauutang ay base sa kabuuang halaga ng proyekto na hindi hihigit sa P5 milyon.
     

  • QUEDANCOR Wholesale Program. Programang pautang para sa mga lending conduits tulad ng kooperatiba, rural at cooperative banks, at SRT Agri-Fishery Business Organization (SRT-AFBO). Ang pautang na ito ay may interes na 14% bawat taon at nangangailangan ng kolateral na hindi bababa sa 80% ng halagang uutangin.
     

  • QUEDANCOR Special Lending Program. Para sa Micro- Entrepreneurship at Income Augmentation Livelihood. Maaaring pumasok sa kategoryang Retail o Wholesale ang pautang sa programang ito. Ito ay may interes base sa halaga ng proyektong itatatag o sa pinansyal na katayuan ng mga mangungutang.

Ilan sa mga proyekto at produktong tinutustusan ng mga programa ng QUEDANCOR ay ang mga sumusunod:

Coffee, Potato, Banana, Sweet Potato, Asparagus, Abaca, Garlic, Tobacco, Cattle, Small Ruminants, Hog Raising, Dairy Products, Chicken, Food Processing, Meat Processing, Food Retailing and other Agri-Based Livelihood Projects, trading of Agri-Products, Construction/Upgrading of Small Agri-Fishery Facilities, Honey Bee Culture, Food Retailing, Bakery/Bakeshop, Sari-sari Store, Canteen and other Livelihood Projects.


Head Office at Branches

Ang QUEDANCOR ay mayroong 14 na Regional Offices, 63 District Offices at 23 Extension Offices sa buong bansa.

Ang punong tanggapan ay matatagpuan sa No. 34 Panay Avenue, Quezon City.

Naitalang Pautang

Para sa taong 2006, ang QUEDANCOR ay nakapagpautang ng P3.9 bilyon sa sektor ng agrikultura. Mahigit 151,525 mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante sa buong bansa ang natulungan ng ahensya.

Sa loob ng 29 taong tapat na serbisyo, ang QUEDANCOR ay nakapagtala na ng P49.3 bilyong halaga ng pautang.
 

 

Home

 

Republic of the Philippines

Department of Agriculture

QUEDAN & RURAL CREDIT GUARANTEE CORPORATION (QUEDANCOR)

QUEDANCOR Center, 34 Panay Avenue, Quezon City, Metro Manila, Philippines 1103